Saturday, April 14, 2007

sabi ni juana

SABI NI JUANA

Sabi ni lola, iba na daw ang kabataan
Magaling lamang daw sa bulakbulan
Asa sa magulang, walang patutunguhan
Ang noo'y pag-asa daw, siya ngayong kabiguan

Nalungkot si Juana sa kanyang narinig
Sa puso niya, naghuhumiyaw ang isang tinig
Para sa kanya, tayong kabataan pa rin
Ang siyang pag-asa, tayo pa rin

CHORUS kuno=D

Kaya ang sabi ni Juana sa kanyang lola
"Mali po kayo, kaya namin ito."
Magtiwala, maniwala na darating ang araw
Kami ang tatayong ilaw

Napabuntong hininga si lola
Mukha niya'y lumiwanag
"Sana nga apo, sana nga apo.."
Ang sabi niya

CHORUS kuno=D

Kaya ang sabi ni Juana sa kanyang lola
"Umasa kayo, kami pa rin ang pag-asa.."
Magsisikap, kakayod, giginhawa
Mamumuno, babangon bilang una

Di maglalaon, kami ay babangon
Di maglalaon..

5 comments:

Bea said...

waaah! i love both lyrics! galing-galing mo, naks! :D

Bea said...

waaah! i love both lyrics! galing-galing mo, naks! :D

-bea

mica. said...

bandmate, sayang, wrong timing ang lahat. gamitin na lang natin next year! :P

joyce said...

ang galing naman ni sops! XD

kuha ka nang tag-board, para pwede din kami magtag. wee! :)

check out mo pati 'yung 6 weird things about me na post ko sa blog. i tagged you! =D

God bless! *hug*

joyce said...

sop! musta? i have a new blog: http://chocoislove.blogspot.com i linked your blog there. God bless! thanks. :D